ihakbang ang paa
intro:
EE DDD -EE-CCC-EE-BBB EE-AAAAA--E
EEE -DDD - CCC - BBB (2X)
VERSE 1:
tumindig at sumabay
sa aming paglalakbay
sama-sama isang ilaw
tagumpay ay matatanaw
chrous:1
i-hakbang ang paa (3x)
ano ang ginagawa pa
VERSE 2:
mabigat aking dala
gumagaan pag kasama ka
sama-sama isang ilaw
tagumpay ay matatanaw
chrous:2
i-hakbang ang paa (3x)
lawit dila pati panga
Bridges:1
tabi po (2x)
sa engkantong naglalaro
tabi po (2x)
sa engkantong nakaupo
tugma
planong lakad inihahanda na
mga bitbitin ay mahalaga
isilid sa backpack ang kailangan
Nakakainis kung malimutan
Marapat lang na itono ang laman
pati ating kasukasuan
magexercise,bawas kuko
bawas yosi,bawas bisyo
Manood, makinig sa ulat panahon
Maalinsangan buong maghapon
Tala,bituin nagniningning
Kabilugan ng buwan let's do hiking
Malumot ang masisilayan
Habang naglalakad sa kagubatan
ilang na hayop,halamang lubid
mahamog na paligid,umaagos ang tubig
kwentuhan ulam upang malibang
sarap ng baon adobo't alamang
isuot ang bonet lamig bawasan
malayo pa ba penging palaman
basa sa pawis ang mga singit
dahil density bagay’y hinihigit
sabik palapit patungong pick
lahat pagod at nananahimik
putikang sapatos hangad pabalik
madulas ang daan tapos patarik
ingat Mam daho'y matinik
sa binti ay may limatik
bridges:
Tabi po (2x)
Sa engkantong mapaglaro
sa wakas mararating kita
Sabi ng iba’y kikilabutan ka
At ang gaan lumulutang
Ang sarap sa pakiramdam
plastik ibasura lagay sa bulsa
Bote lata paguwi benta
taBunan ang dumi para di langawin
Water dicipline panatiliin
Trail ethics dapat sundin
Ating gawin ugaliin
maiksing pahinga mahabang pasensya
ang pagasa sa tiyaga makukuha
sino pang hinihintay
Magtiwala ka at wag lumubay
walang susuko oh mga tropa
Maitim ang ulap nagbabadya sya
kung gayon ay isang linya
kaya
tara
ihakbang ang paa (4x)
gandang tanawin kay ina’y inihahambing
simoy ng hangin sa akin ay naglalambing
gandang tanawin kay ina’y inihahambing
simoy ng hangin sa akin ay naglalambing
No comments:
Post a Comment